Kapag Umuulan

Kapag Umuulan



Pinagmamasdan ko ang buhos ng ulan
sa isang maliit ng bintana
Malakas at patuloy sa pagdaloy
Tulad ng pag-ibig ko sa iyo lamang nakalaan

Ako'y lumabas upang maramdaman
malamig ang bawat patak nito
kasabay ng hangin tila nagsasabing
ganito kalamig kapag ika'y hindi kapiling

Sinubok ko ang lakas ng bawat patak
Masakit... di mapigilan... pero nagpapakalma 
Buong katawan ko nabasa agad ng saglit lang
Parang pag-ibig mo na bumalot ng biglaan

Tumingala ako sa langit na makulimlim
pakiramdam ko ako ay nasa malalim
di na makakaahon at malulunod
ayus lang... kung ikaw ang dahilan

Dahan dahan tumigil ang pag-ulan
Naging tahimik ang kapaligiran
Nalungkot ako sa aking naramdaman
Parang ikaw... nawala ng walang paalam