Sana Bumalik Ka

Sana Bumalik Ka



O kay sakit ng ginawa mo
nag durugo aking puso
nung sinabi mo
na wala na tayo

pinilit kong alamin
kung saan ako nagkamali
sa akin ay iyong sabihin
sa akin ay ipa-intindi

mata ko ngayo'y malamlam
kakaiyak dahil ako'y iyong iniwan
wala na ba ang pagmamahal na iyong naramdaman?
ito ba ay napalitan ng poot at pagkasuklam?

aking sinta
wala na ba talagang pag-asa?
ang magkabalikan tayong dalawa?
aking gagawin lahat kahit ang pagluhod at pagmamaka-awa...

ikaw lamang ay bumalik
pagkat ako'y sabik na sabik
gustong makasama habambuhay
pangako ko sinta buhay ko sayo lamang iaalay